Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Drama actor, non-showbiz GF magka-live in na

0 77

Kinumpirma ng isang personal assistant na nakikipag-live in na ang dati niyang among drama actor sa non-showbiz girlfriend nito.

Kaya naman pala biglang dumalang ang pagtanggap ng trabaho ni drama actor dahil abala na ito sa personal niyang buhay kasama ang girlfriend na ayon sa PA ay sobrang selosa.

Nanghihinayang lang si PA dahil puwede pa naman daw sumikat pa ang drama actor. Kaso may mga palpak itong mga desisyon kaya naudlot ang mga malalaking projects nito.

Hindi taga-showbiz ang girlfriend niya at matagal na raw silang may relasyon. Noong mag-live in na raw ang dalawa, nagulat pa si PA dahil ang alam niya ay may obligasyon pa siya para sa kanyang pamilya.

Nalaman na lang ni PA na binigyan na siya ng blessing ng kanyang pamilya. Tutal ay nakapagpatayo naman na siya ng negosyo para sa kanila kaya gusto naman niyang magkaroon na ng sariling buhay.

May mga raket pa ring gagawin si drama actor sa pero hindi showbiz-related.

Ito na raw ang buhay na pinili ni drama actor at sana raw wala siyang pagsisisi dahil sa mga career opportunities na pinalagpas niya dahil mas pinili niya ang pag-ibig. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.