Una sa Balita

‘Dragon Lady’ ni Janine kopya sa ‘Wild Flower’ ni Maja?

0 362

Marami ang nag-abang sa episode ng “Dra­gon Lady” na kung saan ay ini-reveal na nga kung sino si Scarlet.

Sa teaser nga ay ipinakita na kung paano ‘ikasa’ ni Scarlet ang kanyang pagpapakilala kina Vera at Astrid na siya at si Celestina ay iisang tao lamang.

Ito nga ang inaabangan ng marami, dahil finally ay malalantad na nga raw ang kasamaan nina Vera at Astrid.

Aliw na aliw nga ang mga manonood, dahil bet na bet talaga nila ang pagiging palaban ni Janine Gutierrez kay Maricar de Mesa. Sawa na at pagod na nga ang mga manonood sa kuwento na ang mga bida ay laging api-apihan, at laging talunan sa kontrabida.

Akiyoshi Abe: “ito ang teleserye na pahabaan sila ng sungay. Gantihan at pasamaan sila hahahha.”

Ai Slay: “Si Janine kahit saang anggulo tinggan kahit anu isuot bumabagay lahat ang itchura niya parang siyang mamahaling ginto. May Class at elegant. Si Joyce Ching naman ang puti niya pero parang mumurahin lang ang itchura..Si Janine napaka elegante talaga kahit saang anggulo Mo tingnan.”

lourdes valeza: “Hindi lahat patay na may natitira pang isa ..Si Celestina Atienza. go go Scarlet lintik lang walang ganti.”

Honey Sweetie: “Mgnda kapag everyday palaban ang bida…nkakasawa na kc yung bida na laging nakakawawa at sa huli lng nkakapaghiganti…maganda to ngayun kc nung khpon ba yun dami my ayaw sa episode khpon.”

Alli Gray: “Lagi kang lalaban dahil sa lahat ng bida dragon lady lng ang pinaka-dabest na palaban nakakagigil. Kayong dalawa titirisin ko ung mga ulupong na mag ina na yan gigil niyo ako.”

Renz G. Vlogs: “#dragon lady is #1 4-everrrr!!!! adik nako sa palabas nato pano na pag may pasok nako sa school.”

Norhamia Aida janah Omar Roma: “Wow na wow na wow super gumaganda na ag episode Sana always full episode at sana bumagsak na ang mga killer at murder na nagpahirap Kay yna as celestina is comeback para makapaghiganti sa mga kaaway nia at ng mga magulang at sana magkikita na ulit cla ng mga magulang nia at mabuo ng ag pamilya nya ulit hayyyssss excited na sa the next full episode.”

Monique Hassir: “Pag natalo c Scarlet promis Hindi nko manonood sa dragon lady nato pinatay na ni James ang mga tistigo ni Scarlet.”

May iba naman na nagtatalo-talo dahil feeling nila ay napanood na nila ang mga eksena ng “Dragon Lady” sa “Wild Flower” ni Maja Salvador noon.

JohnDria FordNardo: “Hahaha.. parang napanood ko na tong concept nato sa wild flower… Ivy Aguas reveals her true identity as Lily Cruz.”

baewarriorangel: “Marami talagang mga dramas out there na may same concept. Even other dramas from other countries. Even for some movies.”

Rexxie Banner: “Dios mio Marimar andyan pa rin kayo sa wild flower? Hahaha.. move on na kayo kundi ipapalapa ko kayo kay polgoso. Hahaha. Isang example yan na sa Marimar pa lng ni Thalia may ganyan ng concept.”

Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy