Una sa Balita

DPWH-Villar sinalang sa lifestyle check

0 304

ISASAILALIM sa lifestyle check ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinamumunuan ni Secretary Mark Villar dahil sa reklamo ng katiwalian.

Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica sa economic briefing sa Malacañang na dumagsa ang reklamo sa kanilang tanggapan kaya’t sisimulan na nila ang lifestyle check sa mga ito.

Kabilang sa mga iimbestigahan ay mga top official ng nabanggit na ahensiya kabilang ang mga district engineer at regional director Official.

Kagaya aniya ito ng ginawa nilang pag-imbestiga sa mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), inaasahang magsasang-sanga ang mga matatanggap na impormasyon pati na sa gagawing imbestigasyon.

Kasama rin sa isasalang sa lifestyle check ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“We will be including sa lifestyle check po ang DENR and DPWH among its top officials. We will include District Engineers, RDOs, Undersecretaries because complaints have piled up in our office against these people so we will begin with the lifestyle check. I’m sure after the lifestyle check, as it happened with PCSO, magsasanga-sanga pa po ang information na makukuha namin; at ganoon din po, magsasanga-sanga ang imbestigasyon,” ani Belgica.

Dahil dito, hinikayat ng opisyal ang publiko na ipaabot sa kanilang tanggapan ang mga makikitang iligal na aktibidad na ginagawa ng mga taga-gobyerno.

Nauna nang isinailalim sa lifestyle check ng PACC ang mga opisyal ng PCSO kung saan hawak na nila ang kopya ng statement of assets liabilities and networth (SALN) ng 15 opisyal ng ahensiya, mula sa dating general manager at mga board member nito.

Bukod sa mga nabanggit na ahensiya. sinabi ni Belgica na kinasuhan na nila ang 13 opis­yal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na naunang inaresto dahil sa katiwalian.

Paulit-ulit aniya ang ginagawa ng mga akusado sa kanilang ginagawa kaya tuloy ang masusing imbestigasyon sa ahensiya.

“The Bureau of Internal Revenue, we have already arrested/filed cases against 13 officials from the Bureau of Internal Revenue and we will be conducting a full blown investigation. Kasi po ang mga kasong nahuli namin sa kanila, paulit-ulit, iisang kaso. The problem really is not just the people but it is the system, so we will be conducting a full blown investigation on the office,” dagdag ni Belgica.

(Ailen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy