Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DPWH pinaboran ng judge sa putol puno

0 412

BIGO ang mga environmentalist na isalba ang 259 puno sa Pampanga na gustong sibakin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa isang road widening project.

Nilusaw na ni Judge Maria Angelica Paras-Quimbao ng Regional Trial Court Third Judicial Region Branch 59 ang temporary environmental protection order (Tepo) sa mga puno na balak putulin para sa pagpapalawak ng kalsada na patungo sa Clark Freeport sa Pampanga.

Binasura rin ng nasabing hukom ang mosyon ng mga pinuno ng Save the Trees Coalition (STC) para sa isang permanent injunction sa espesyal na aksyong sibil.

Natalo ang STC dahil sa technical issues na pinunto ng DPWH.

Para sa hukom valid ang environmental clearance certificate at dalawang tree cutting permits ng nasabing proyekto.

Hindi napatunayan ng mga nagre­reklamo na walang public hearing at nilabag ng DPWH ang mga kondisyon ng tree cutting permit, sabi ni Quiambao.

Nabigo rin umano ang mga environmentalist na tablahin ang posisyon ng mga akusado na hindi daranas ang mga nagsasakdal ng “grave and irreparable injury” kung papayagan ng korte ang pagputol ng 259 puno.

Ayon naman sa Facebook page post ng Save the Trees Coalition, iaapela pa rin nila ang desisyon ng korte.

“Our plan is to file an appeal but legal actions involve money,” ayon pa sa environmentalist group na manganga­lap muna ng pondo para maipagpatuloy ang laban.

Leave A Reply

Your email address will not be published.