Una sa Balita

DPWH kinalampag sa suspensyon ng 5 opisyal

0 206

HINIMOK kahapon si DPWH Secretary Mark Villar na ipatupad ang preventive suspension order laban sa isang regional director at 4 na iba pa na iniutos ng Ombudsman.

Sinabi Atty. Mikhail Lenin Bueno, muli siyang umapela kay Sec. Villar na ipatupad ang preventive suspension order kina DPWH officer-in-charge Region 5 director Virgilio Eduarte; Atty. IV Eulogio Laboga, Quality Assurance and Hydrology chief; Brenilda Mendoza, Equipment Management Division chief; Romy Gumban at Serafin Lago na hepe ng Road Heightening and Tide Embankment.

Ani Atty. Bueno, mahirap paniwalaan ang katwiran ng mga opisyal na wala silang natanggap na kopya ng kautusan noong Feb. 1, 2019 dahil umapela pa silang i-lift ito.

Nag-ugat ito sa reklamo ni Edgar Tiu na may-ari ng B. M. Marketing Construction Company nang i-disqualify siya sa public bidding ng inireklamo noong nagsisilbi pang assistant regional director sa DPWH Region 8 si Eduarte at 4 pang opisyal.

Katwiran ni Eduarte ay hindi nakapasa sa technical requirements ang kompanya ni Tiu.

Pumasa sa qualification ang B.M. Marketing Bids and Awards Committee para sa construction ng storm surge protector, road heightening and tide embankment na may approved budget sa contract (ABC) ng P264,218,720.97.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More