Una sa Balita

DPWH kasado na sa Manila Bay dredging

0 606

NATAPOS na ang ginawang survey at water quality test ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Manila Bay.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang resulta ng nasabing mga pagsusuri ang magiging batayan ng kagawaran sa mga gagawing dredging activity sa lugar na pasisimulan sa mga susunod na linggo.

Sa ulat umano ni DPWH-Bureau of Equipment Director Toribio Noel Ilao, pangunahing mekanismo ang dredging para maalis ang mga naipong pollutant sa Manila Bay.

Mahalaga naman ang bathymetric survey para matukoy ang dami ng mga materyal na kailangang alisin at matukoy ang mga lugar na kailangang tutukan sa paglilinis sa Manila Bay.

Kaugnay nito, iniutos na ni DPWH Undersecretary Emil Sadain na ihanda ang deployment plan para sa mga ipupuwestong mga amphibious excavator, dumping scows, dump trucks, debris segregator, mga street sweeper at vacuum sewer cleaner.

Ipupuwesto umano ang nasabing mga kagamitan sa huling bahagi ng Pebrero hanggang sa unang bahagi ng Marso.

Tatlong dredging site umano ang tinukoy ng DPWH at kasama rito ang Navotas River at Estero de Vitas sa Tondo, Maynila at ang baybayin ng Manila Bay mula Manila Yacht Club breakwater hanggang US Embassy.

Regular umanong babantayan ng DPWH ang kalidad ng tubig sa Manila Bay para matukoy ang gagawing pagbabago sa malawakang rehabilitation sa nasabing karagatan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy