Una sa Balita

DPWH flood control sa Maynila kasado na sa tag-ulan

By
0 1,364

Inaasahang magi­ging malaking tulong sa panahon ng tag-ulan ang natapos na flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kahabaan ng Padre Burgos Ave­nue na mula sa Luneta Pumping Station hanggang sa Anda Street, Intramuros, Maynila.

Ininspeksiyon ni DPWH Secretary Mark Villar ang pumping station sa P. Burgos upang matiyak na makakatulong ito na maibsan ang nararanasang matin­ding pagbaha na ayon sa kalihim, ang P. Burgos ay napakaimportanteng daan sa Maynila at isa sa mga lugar na la­ging lumulubog kapag tag-ulan.

Sa pahayag ni Villar ay sinisigurado ng ahensiya na mabilis na gagawin ang mga ganitong proyekto upang mabawasan ang mga pagbaha sa daanan para sa kaligtasan ng publiko at mga motorista.