Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DPWH employee tigok sa motorsiklo

0 124

Patay ang 53-anyos na trabahador ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nang nabundol ng motorsiklo habang papatawid sa kalsada patungo sa kanyang trabaho sa Dasmariñas City, Cavite.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Pablito Villa Nueva Salvador ng Brgy. Burol Main habang kinilala ang driver ng motorsiklong Suzuki na bumangga sa kanya na si Ronnie Cortez, 36.

Ayon sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima alas-kwatro kamakalawa ng hapon patungo sa site project ng DPWH at sa pagtawid nito sa kahabaan ng Governors Drive sakop mg Brgy. Paliparan 1 ng naturang Lungsod nang nabangga ng minamanehong motorsiklo ni Cortez.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, hindi na nadala pa sa ospital ang biktima at agad na binawiaan ng buhay dahil sa pinsala sa ulo. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.