Una sa Balita

DPWH dodoblehin ang haba ng expressway sa 2022

By
0 602

INAASAHANG mahi­git sa doble ang maitatayong kabuuang haba ng ­expressway sa bansa bago matapos ang termino ng Pangulong ­Rodrigo Duterte.

Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, sa ngayon ang Pilipinas ay mayroong 300 kilometrong high-speed expressways. At target nilang matapos ang 800 kilometro bago ang 2022.

Pangunahin aniyang bahagi ng programang ‘Build, Build, Build’ ng administrasyon ay ang Luzon Spine Expressway Network na binubuo ng 18 pangunahing expressways na nag-uugnay sa Northern at Southern Luzon.

Kabilang dito ang Harbor Link Project, the Cavite-Laguna Expressway, Toll Road 4 ng South Luzon Expressway, Skyway extension na nagdurugtong sa NLEX at SLEX, Rosario extension ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway, at ang Central Luzon Link Expressway.