Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DPWH barracks sa QC nasunog

0 77

Isang sunog ang sumiklab sa barracks na tinutuluyan ng mga empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa EDSA-Kamuning, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-11:00 ng gabi nagsimula ang sunog at mabilis itong kumalat dahil gawa sa light materials ang barracks.

Tumagal ng isang oras ang sunog at idineklarang under control ng alas-12:04 ng hatinggabi kahapon, Nobyembre 20.

Walong kuwarto umano ang nasunog sa barracks habang nasa anim na pamilya ang apektado.

Wala namang nasugatan o nasawi sa insidente.

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng sunog.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.