Una sa Balita

Double Impact

0 284

Jerry Codiñera

Dumayo ang PBA Party-list contingent nitong April 14, Sunday, sa Tubod, Lanao Norte via Pagadian para sa isa na namang Legends event.

Naglaro at nagbigay ng konting kasiyahan ang inyong lingkod kasama sina Allan Caidic, Bal David, EJ Feihl, Nelson Asaytono at coach Pido Jarencio.

Maraming salamat po sa pagtanggap at pag-entertain sa Le­gends, kina Tubod Mayor Leoncio ‘Kapangpangan’ Bagol, Lanao Norte Gov. Imelda ‘Angging’ Quibranza Dimaporo, Vice Mayor Yanoc at sa pamilya ni Councilor Miko ng Balay Ni Mayang.

Pagkatapos, nagbarko ang mga Legends papuntang Ozamiz para humabol sa 5pm flight ng CebuPac pabalik ng Manila.

Pagsapit ng Martes, Abril 16 tumuhog kami ni EJ Feihl ng guesting sa Bantayan Island at kasma rin naming dito sina Vince Hizon, Gerry Esplana, Willie Miller, Onyok Velasco at Bong Hawkins.

Ito ay sa pamamagitan ng pagkumbida ng aking mahusay at masipag na Mayor Jose ‘Titing’ Esgana. Ang anak niyang si Paolo Esgana ay tumatakbo bilang konsehal ng Sta. Fe.
Ikalawang pagbisita ko na ito sa Sta. Fe at ang dami na masyadong nabago. Dumami na ang mga restaurant na pag-aari ng ibang turista.
Ang pinagmamalaki na white sand ay maganda pa rin at malinis. Ang tubig ay kulay emerald green na sobrang kaakit-akit na gusto mo agad lumangoy kapag ito ay iyong nakita.

Ang laki ng progreso sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Titing Esgana.
Halos umabot din ng mga tatlong oras ang biyahe patungong Bantayan Port. Napakasuwerte ng grupo dahil inauguration ng Island Water na siyang naghahatid sa mga pasahero sa isla gamit ang fast craft.

Kami ay inilagay sa VIP room ng barko. Napakalinis, may meryenda agad at welcome drinks courtesy ng Island Water na siyang kabubukas pa lang.
Pagdating ng tanghalian sa HR, bumaha ng sugpo, bulalo, scallops.

Ang grupo ay nag-overnight sa napakagandang Hotel Pearl na may magandang seaside view.

Ito ay mina-manage ni Miss Ging. Siya ang nagbigay ng iba’t ibang uri ng red wine na galing pa sa bansang Brazil.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy