Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOTr winalis mga pekeng S-PaSS

0 17

Inaksiyunan agad ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pamemeke ng S-PaSS o Safe, Swift and Smart Passage sa Batangas Port.

Nabatid na karaniwang mga nagiging biktima ng talamak na pekeng S-PaSS ay ang mga pasahero sa naturang pantalan.

Sa pamamagitan nito ay matutukoy na agad ang mga pekeng S-PaSS bago pa man pumasok sa loob ng pantalan dahilan kaya tumigil nang tuluyan ang nasabing modus.

Magugunitang ipinag-utos ni Tugade ang paggamit ng S-PaSS sa lahat ng pasahero na gagamit ng pantalan bilang tugon ng DOTr sa panuntunan na ipinatutupad ng gobyerno sa pagbiyahe ngayong nasa ilalim ng pandemya ang bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.