Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOTr todo higpit sa 1-metro distancing

0 120

Mas hihigpitan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng isang metrong physical distancing sa lahat ng pampublikong transportasyon.

Ito ay matapos na iutos ng Malakanyang na ibalik ang one-meter physical distancing policy na kung saan hindi pinayagan ang planong 0.75-meter physical distancing o pagbabawas ng distansya sa bawat upuan.

“When a decision is made on the 1-meter physical distancing in public transport, we have to strictly enforce,” ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.

Sa kasalukuyan ay nasa 786 public utility jeepney na ang pinayagang bumiyahe sa 45 ruta ng Metro Manila, 3,854 naman ang mga bus sa 32 routes, 387 point-to-point buses sa 34 routes, 1,905 UV Express sa 59 routes, 20,891 taxis, at 23,968 transport network vehicle services na nagpapatupad ng isang metrong physical distancing, maging ang mga tren ng PNR, LRT at MRT. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.