Una sa Balita

DOTr sa publiko: Mga nambabato sa PNR train isuplong

0 376

UMAPELA ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko na isuplong ang mga taong nambabato sa mga tren ng Philippine National Railways (PNR).

Ito’y matapos maitala ng PNR ang 14 na insidente ng pamamato mula Disyembre 2 hanggang 21.

“The trains are owned by the Filipino people, and we all should do our part in helping their maintenance and upkeep, and help ensure that we protect these infrastructure investments so that majority of our fellow citizens may enjoy their long term use,” ayon sa statement ng DOTr na pinost sa Facebook.

Nauna rito ay ini-report ng PNR management na 3 hanggang 4 na insidente ng pananabotahe ang nairekord nila kada linggo sa mga lumang tren.

“There is no place in society for doing these dastardly acts, especially at a time when your govern­ment is doing everything it can to provide the riding public with modern transport infrastructure,” ayon pa sa ahensiya.

Ayon naman sa motoring journalist na si James Deakin, sinabi umano ni DOTr Asec. Goddes Hope Oliveros-Libiran na pati na ang mga bagong tren na binili sa Indonesia ay nilalagyan ng debris sa riles para masira ang pang-ilalim ng tren.

Mahirap daw kasing masira ang bintana ng mga bagong trean dahil polycarbonate ito kaya ang ginagawa ay naglalagay ng debris sa riles para masira ang ilalim ng tren.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More