Una sa Balita

DOTr may panibagong pahirap

0 302

Sa bagong ipatutupad na department Order­ ng DOTr na Phil. Clean Air Act 4136 ay itinaas sa 1,800 hanggang 4,500 ang sisingilin para sa Motor Vehicle Inspection Station (MIVS) ng Land Transporataion Office.

Ang bagong singil ay para sa lahat ng uri ng sasakyan dahil sa mga makabagong kagamitan, aparato at lupang titirikan na gagamitin sa lahat ng tanggapan ng LTO.

Ang kasalukuyang singilan sa 4 wheel o light vehicle ay P240.00 ngayon ay aabot na sa P1,800. Nasa P4,500 ang ipapataw na halaga sa mga trak o heavy vehicle.

Dahil sa mahal na bagong mga aparato ng MVIS na nagkakahalaga ng P50M bukod pa ang lupang pagtatayuan na isang daan mil­yon depende sa bawat rehiyon na kanyang pangangailangan.

Samantala kung ikukumpara mo sa ibang bansa ang kanilang MVIS ay nagkakahalaga lamang ng P700 pesos sa mga light vehicle o 4 wheel sa Malasiya at sa Korea ay nasa P1,250 lamang.

Kaya ang samahan ng National Public Transport Coalition ay nagsasagawa ng protesta upang tutulan ang bagong ipatutupad na Department Order ng DOTr na Clean Air Act. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More