Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOTr may espiya sa mga bus, jeep, tren

0 52

Magpapakalat ang Department of Transportation (DOTr) ng tinatawag nilang “mystery passengers” sa mga pampublikong sasakyan at sasabay sa pagsakay para matiyak at makita mismo kung nasusunod ang mga health protocol laban sa COVID hawaan.

Ayon sa DOTr, gagawin nila ang naturang hakbang sa Lunes kung saan arangkada na ang no bakuna, no ride policy sa Metro Manila habang nasa alert level 3.

“Magde-deploy rin po tayo ng mystery passengers upang masigurado na masusunod itong ating polisiya kahit hindi nakauniporme ang ating mga enforcer,” sinabi ni DOTr Road Transport Sector Assistant Mark Steven Pastor.

Kailangan na ipakita ng bawat pasahero ang kanilang vaccination card bago payagang makasakay sa alinmang pampublikong sasakyan katulad ng bus, jeep at tren. Dapat umano nakadalawang COVID vaccine doses na.

Maaaring ipakita ang physical o digital copy ng local government unit-issued vaccine card, vaccine certification mula sa Department of Health, o ibang Inter-Agency Task Force-prescribed document na may valid government ID na may litrato at address. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.