Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOTr, LTO babalatan sa unli singil

0 369

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senadora Grace Poe sa Senado ang operasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) sa gitna ng maraming reklamo hinggil sa napakataas na fees nito.

Sa Senate Resolution No. 634, nais ni Poe na tingnan ang pagpapatupad ng Department Order 2018-019 ng Department of Transportation (DOTr), Memorandum Circular No. 2018-2158 ng Land Transportation Office (LTO), at iba pang isyung may kinalaman dito.

“The intention behind the law is noble, but the fees following its implementation cannot come at a worse time in the middle of a pandemic where people are barely getting by and now have to add another item in their list of expenses,” sabi ni Poe Poe, chairperson ng Senate committee on public services.

Ang tinutukoy ni Poe ay ang Land Transportation and Traffic Code, na nagmamandato sa LTO na siyasatin at irehistro ang mga motor vehicle.

Sa kanyang resolusyon, sinabi ni Poe na nag-isyu ang LTO ng memorandum cicurlar noong 2018 na nag-aawtorisa sa PMVICs na mangolekta ng inspection fee na P1,800 mula sa mga motor vehicle na may bigat na 4,500 kilogram pababa.

“If the vehicle fails the test, it will be required to undergo necessary repairs and taken back to the PMVIC where the motorist is charged an additional P900 reinspection fee to obtain clearance,” sabi ni Poe.

Samantala, ang motorsiklo at traysikel ay pinapatawan ng P600 inspection fee at P300 para naman sa re-inspection fee kung kinakailangan.

“Isipin mo naman, pati mga naghahanapbuhay na mag-deliver at namamasada, pipigaan pa natin ng pera. ‘E ‘di wala na silang naiuwi sa pamilya nila,” sabi ni Poe.

Bukod sa reklamo kaugnay ng dagdag na fee na ito, sinabi ni Poe na hindi nagsasagawa ang LTO ng konsultasyon bago ang privatization ng Motor Vehicle Inspection System (MVIS) na naglalayong matiyak ang road worthiness ng sasakyan at maiwasan ang road accident.

Bago ang programang ito, nagbabayad lang ang motorista ng average ng P500 para emission testing fee.

Ayon pa kay Poe, ang kawalan ng transparency sa pagpili ng PMVIC ay maaring pinag-uugtan na korapsiyon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.