Una sa Balita

DOTr kumambyo: Mga lumang jeep tuloy ang phaseout

0 372

Isang araw matapos ibalita ng mga senador na hindi na tuloy ang phaseout ng mga lumang jeep, kumambyo naman kahapon ang Department of Transportation (DOTr) at sina­bing aarangkada pa rin ang jeepney modernization plan.

Sa isang statement, binanggit ng DOTr na ang mga operator na mabibigong i-modernize ang kanilang jeep pagsapit ng Hulyo 2020 ay papayagan pa ring makapagbiyahe pero kaila­ngan pumasa sa emission test at mga safety check.

Noong Miyerkoles, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, sponsor ng DOTr budget, kay Senador Grace Poe na tinanggap ng DOTr ang rekomendasyon ng senadora na payagang makabiyahe ang mga lumang jeep basta’t makapasa sa road worthiness test.

Nabatid na simula nang ipatupad ang modernization program, umaabot pa lang sa 2,550 sasakyan ang naging moderno o katumbas lamang ng 1.5% na target ng ahensiya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More