Una sa Balita

Dota 2 nanorpresa, 2 bagong hero ibinida

0 154

By Ray Mark Patriarca

Walang pasubali, biglang naglabas ng dalawang bagong hero ang Dota 2 sa kasagsagan ng ‘The International 8’ na gaganapin ang finale Linggo sa Pilipinas.

Pinangalanang Grimstroke, isang ranged support hero ang maaari nang gamitin ngayon sa bagong update ng laro.

Gamit ang isang paintbrush bilang sandata, nahumaling ngayon ang Dota 2 community sa kanyang pambihirang skill set.

Kumpletos rekados ang hero na ito, maaaring i-spam ang 1st skill upang mawala sa laro ang katapat, samantalang malakas rin ang damage ng 2nd skill na Phantom’s Embrace kapag nagamit nang mabuti.

May CC rin ang support hero na maaaring magbigay ng immunity sa sarili o sa kakampi ng dalawang segundo, tapos ay biglang sasabog para sa stun at damage.

Ang ultimate spell Soulbind, pagbibingkisin ang dalawang magkalapit na kalaban, tapos ay lahat ng targeted spell na ika-cast sa isa ay mararanasan rin ng nakatali.

Ang isa naman ay bininyagang si Mars, lalabas sa Winter update ng laro.