Una sa Balita

DOT sasalang sa PACC lifestyle check

0 267

Inatasan ni Tou­rism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang lahat ng opisyal ng departamento na sumailalim sa lifestyle check na isinasagawa ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ito ay kaugnay ng panawagan ng PACC sa lahat ng mga government official na sumailalim sa imbestigasyon bilang pagtalima sa kautusan ng Malacañang kontra korapsyon sa loob ng gobyerno.

“Not only do I submit myself, I also bring with me the DOT’s officials, as we fully submit ourselves to the lifestyle check of the PACC. This our way of sending the message across that the DOT is one with the administration’s anti-corruption drive,” sabi pa sa statement ni Sec. Berna.

“Needless to say, we laud the initiative of the PACC. We look forward to contributing to the report which they hope to complete by year’s end,” dagdag ng opisyal.

Ang direktiba ay isinagawa sa pamamagitan ng memorandum sa lahat ng DOT central at regional office gayundin sa mga attached agency at korporasyon ng ahensya.

Una nang ibinunyag ng PACC na nasa 200 opisyal ng gobyerno mula sa Bureau of Customs, Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources at Bureau of Internal Revenue ang isinasailalim nila sa lifestyle check. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy