Una sa Balita

DOT happy sa pagpasok ng Cebu sa UNESCO Network of Creative Cities

0 195

PINASALAMATAN ng Department of Tourism (DOT) ang ginawang pagkilala sa pagsama sa Cebu sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) Network of Creative Cities na nagpapatunay sa mahusay na bukal ng malikhaing talento sa Queen City of the South.

Noong Oktubre 30, itinala ng UNESCO ang Cebu sa Network of Creative Cities kasama ang 65 iba pang mga lungsod sa buong mundo sa ilalim ng kategorya ng disenyo.

“This international recognition on the Design Category affirms the wellspring of creative ta­lents manifested in the furniture, fashion accessories and other sectors, the latest of which is in the global transportation hub (GTH) sector, evident in the first ever Resort Airport in the world – the Mactan-Cebu International Airport,” ayon sa statement ng DOT.

Noong Nobyembre 2017, kinilala ng UNESCO ang Baguio, ang una sa Pilipinas, na Creative Ci­ties Network para sa sining at katutubong sining ng lungsod.

Gayundin, hinikayat ng DOT ang marami pang mga lungsod sa Pilipinas na sumali sa Cebu at Baguio sa prestihiyosong network at ‘maitutu­ring bilang mga icon ng sustainable development ng lungsod’.

Inilarawan ng UNESCO ang mga malikhaing lungsod bilang ‘mga laboratoryo ng mga ideya at makabagong mga kasanayan’, na nagdadala ng nasasalat na kontribusyon sa pagkamit ng mga sustainable development goal sa pamamagitan ng makabagong pag-iisip at pagkilos.

Ayon kay UNESCO Director-General Audrey Azoulay, pinapaboran ang pampolitika at panlipunang pagbabago at partikular na mahalaga para sa mga batang henerasyon.

Sa ngayon ang UNESCO Network of Creative Cities ay nakapagtala na ng kabuuang 246 lungsod. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy