Una sa Balita

Do’s and Don’ts ng COVID-19

0 464

SIYEMPRE ‘yung mga pulitiko na hindi nagparamdam, hindi tumulong at nagtago lang, alam n’yo na ang dapat gawin mga ka-Abante sa susunod na election.

Ang VIRUS ay hindi lang problema natin kung hindi problema ng buong mundo kaya huwag maging dugyot, panatilihing malinis ang kapaligiran.

Ang COVID-19 ay matindi pa sa isang giyera, conflict o sakuna. Ito ay pwedeng umubos o i-wipeout ang isang katauhan o generation, na hindi natin nakikita.

Huwag tayo magkumpiyansa na ito ay madaling malunasan. Dapat tuloy ang paghanap at pag-develop ng anti-virus at vaccine sa mga darating na araw o panahon, at iba pang mga medisina na pangontra sa iba pang magiging virus o bacteria.

Sa isang banda mga ka-Abante gumanda ang ating climate, bawas ang pollution, pati ozone layer nag-improve, ang dagat bumalik sa dating kulay at mga isda dumami ulit dahil sa lockdown o ECQ.

Ang gasolina bumaba ang todo. Sana ganun pa rin ang presyo kahit wala nang lockdown.

Sana!

Ituloy natin ang tiwala at pasensya sa gobyerno. First time nangyari sa mundo itong COVID-19 kaya wala talaga eksaktong gamot o lunas na natatagpuan pa.

Sana tuloy lang ang pagkakaisa ng mga negosyante, mayaman at mahirap pagkatapos nitong COVID-19. Maging mensahe sa ating lahat ang idinulot nitong sitwasyon.

Palakasin ang sector ng health care. Lagyan ng kaukulang budget, personnel at boses para mapangalagaan ang ating mga kababayan.

Lagyan ng penalty o multa ang lalabag sa mga ‘no mask policy’, social distancing at overcrowding.

Let’s continue to be more productive while we have another extension of lockdown after Holy Week.

Stay home, wash your hands and avoid large crowds.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More