Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Doromal, Carandang hahagupit sa Chery

0 278

HAHAMBALOS na para sa reigning Premier Volleyball League Open Conference champions Chery Tiggo Crossovers sina opposite hitter Roma Joy Doromal at middle blocker Czarina Carandang.

Ibinahagi ni team manager Ronwald Dimaculangan nitong Biyernes sa Abante Sports ang dalawa sa kanilang bagong recruits na inaasahang makakatuwang ng koponan upang madepensahan ang kanilang titulo sa darating na 2022 Premier Volleyball League Open Conference.

Magugunita na huling umeksena sina Doromal at Carandang kasama ang Perlas Spikers na liliban sa darating na torneo.

Noong Agosto, tagumpay na nagreyna ang Chery Tiggo makaraang lampasuhin ang Creamline Cool Smashers para sa kampeonato ng 2021 PVL Open Conference.

Samantala, binabalak namang buksan ng PVL ang panibagong Open Conference sa darating na Pebrero 16. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.