Una sa Balita

Dorm ginawang bar: 16 PNP trainee sibak

0 463

HINDI na matutuloy sa ­pagka-pulis ang 16 police trainee ­matapos na ipag-utos ni ­Philippine National Police (PNP) chief ­Director Archie Francisco Gamboa na agad sibakin at hindi na pasamahin sa kanilang graduation matapos uminom ang mga ito sa loob ng kanilang dormitoryo at hindi pa nakuntento ay nag-post pa ng kanilang litrato at video sa social media.

Ayon kay Gamboa, sadyang hindi muna niya ­pinangalanan ang mga nabanggit na police trainees habang patuloy na ­isinasagawa ang imbestigasyon.
“There were 16 recruits who misbehaved and I promised them you are not going to get any appointment in the PNP,” pahayag ni Gamboa.

“You will get terminated kasi simula pa lang tapos ganyan na,” dagdag ni Gamboa.

Samantala, sinibak din ni Gamboa ang lahat ng opisyal ng Regional Training Group sa ilalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa ­ginawang kalokohan ng mga recruits.

Ang lahat ng opisyal ng Regio­nal Training Group ay ­isasailalim sa imbestigasyon at maaring maharap sa kasong administratibo pahayag ni Gamboa.

Siniguro pa ni Gamboa na gagawin nila ang lahat para ­madisiplina ang mga tiwaling pulis kabilang ang mga bagong recruits.

“I will do everything to discipline my men. I want to show the public na maaasahan nyo kami,” saad pa ni Gamboa.

Ayon kay NCRPO chief ­Police Major General Debold Sinas na ginamit ng 16 na bagong ­police recruits ang messenger para ­i-share ang kanilang ginagawang inuman sa loob ng dormitory. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More