Una sa Balita

Doris Day, Tim Conway pumanaw na

0 214

Dalawang screen and TV icons ang magkasunod na ipinagluksa ng Hollywood kamakailan. Ito ay sina Doris Day at Tim Conway.

Bago sina Meg Ryan at Julia Roberts, si Doris Day ang unang tinawag na “America’s Sweetheart”. Ipinanganak sa Cincinnati, Ohio, naging box-office star for seven years si Doris Day noong ‘60s dahil sa mga ginawa niyang romantic-comedies na “Pillow Talk,” “Lover Come Back,” “Send Me No Flowers,” “Please Don’t Eat The Daisies” and “Move Over Darling.”

Naging singing sensation din siya ng ilang taon at pinasikat niya ang awitin na “Que Sera Sera”. Noong mag-retire sa showbiz si Doris, tumira ito sa Carmel-By-The Sea in California kunsaan tinatag niya ang Doris Day Animal Foundation. Pumanaw si Doris sa edad na 97 dahil sa sakit na pneumonia.

Nakilala naman ang comedian na si Tim Conway dahil sa hit show na “The Carol Burnett Show.” Isa si Tim sa pinaka-effective na comedian dahil sa kanyang impromptu comedy lines na ikinagugulat ng mga kaeksena niya.

Taga-Cleveland, Ohio si Tim at pagkatapos nitong mag-serve sa US Navy, pinasok niya ang comedy sa pamamagitan ng sitcom na “McHale’s Navy” in 1960. Dahil sa kanyang mahusay na pagpapatawa, nanalo si Tim ng pitong Emmy Awards. Pumanaw si Tim sa edad na 85 dahil sa complications dala ng normal pressure hydrocephalus. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy