Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Door to door patak polio kinasa ng DOH

0 246

Inumpisahan na ng Department of Health (DOH) ang sabayang door-to-door patak polio sa Cavite at Rizal.

Ayon kay DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo na inuna nila ang Laguna, Cavite at Rizal makaraang makapagtala ng isang kaso Agosto 2019 kaya kahit umulan o umaraw ay magsasagawa sila ng house-to-house campaign kung saan target at bata na hanggang 5-anyos.

Target ng ng departamento na mapatakan ng oral polio vaccine ang 452,105 bata sa Cavite habang 336,772 naman sa Rizal. Magtatagal ang kanilang programa hanggang sa katapusan ng buwan.

Isusunod naman umano ang Batangas at Quezon sa polio vaccination sakaling matapos na ang pagbabakuna sa tatlong probinsya na may mataas na banta sa polio. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.