Una sa Balita

‘DON’T BE EMOTIONAL’

By
0 1

[mstw_league_standings league=pba season=2016-2017-philippine-cup-eliminations]

Games ngayon:
(PhilSports Arena-Pasig)
4:15 p.m. – TNT KaTropa vs. Alaska
7:00 p.m. – Rain or Shine vs. NLEX

Posibleng mag-high five, kumustahan, ta­nguan at maari ring magngitian ang Rain or Shine at ang dati nilang coach na ngayo’y nasa NLEX na, na si Yeng Guiao bago mag-buzzer at pumailanlang ang pasiklaban ng Elasto Painters at Road Warriors.

Sa 7:00 p.m. main game ito ng interesanteng twinbill sa araw na ito ng 2016-2017 PBA Philippine Cup na nasa halfway eliminations na at darayo sa dating tahanan ng pro league na PhilSports Arena sa Pasig City.

“I just reminded the players not to get too emotional seeing coach Yeng on the other side. Both teams play with practically the same system so it will boil down to execution,” sabi kahapon ni returning RoS coach Caloy Garcia.

Sinubukan din ng Abante na ­kunin ang damdamin ni Guiao para sa unang pakikipag­salpukan niya sa kanyang former team na narendahan niya sa dalawang titulo sa anim na Finals stints sa anim na taon noong 2011-2016.

Pero dahil nasa four-game losing slide ang nasa 11th spot na Road Warriors (1-4) na nasa period ng adjustments pa sa kanya, minabuti na lamang muna na manahimik marahil nang mabokang si Guiao.

Ang pagyukod ng nasa traffic sa quintuple sa third na RoS (3-2) sa last game kontra Star noong Linggo 99-91, habang ang NLEX ay sa San Miguel sa Cagayan de Oro nung Sabado 106-80 ang nagpapagarantisadong pukpukan ng dalawa. Lalo’t nais ng una na akbayan sa second place sa standings ang idle Blackwater sa second spot sa 4-2.

Umaatikabong torohan din ang 4:15 curtain-raiser ng Alaska (3-2) at TNT KaTropa (3-2) na mga nakatudla rin sa fourth win para humanay sa Elite.

“Alaska is a 48-minute team. Can’t choose our moments in the game. Need to put consistent effort from start to finish,” komentaryo naman ni Texters coach Nash Racela.

Malaking hamon para kay coach Alex Compton na nasa three-game winning streak ang pagbangga sa gaya nilang elite squad na buhat sa 117-98 winner sa Phoenix Petroleum.

“TNT is one of the two most talented teams in the league. They are long. They are athletic. They are in their prime, They are well coached. Without question this is a top contender for the championship every conference including this one,” ani Compton.