Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Donovan maangas

0 254

WALA nang bakas ng COVID-19 sa katawan ni Utah Jazz star point guard Donovan Mitchell.

Sa tweet ni Mitchell, tinawag niya ang kanyang sarili bilang “Best ping pong player in the bubble”.

Makikita din ang video kung saan nagsisigaw at inangasan ng manlalaro ang kalaban sa ping pong.

Si Mitchell ay dating nagpositibo sa virus, kung saan teammate ang tinuring na patient zero sa NBA na si Rudy Gobert.

Sa ngayon ay nasa Orlando, Florida ang mga maglalaban-laban para sa NBA playoffs para sa pagbabalik ng season simula July 31.

Leave A Reply

Your email address will not be published.