Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Donny planado na date kay Belle sa New York

0 138

Excited na ang DonBelle (Donny Pangilinan, Belle Mariano) sa ‘Beyond the Stars: Star Magic US Tour’, dahil first time nga nilang magsasama roon.

Bagamat maraming beses nan gang nakapunta si Donny sa US, lalo na sa New York, bet na bet pa rin iyang bumalik doon. And this time, mas masaya nga raw dahil si Belle na ang kasama niya.

“Gusto ko siyang dalhin sa Times Square. Doon mo kasi makikita ang iba’t ibang tao, different culture. And kung may time, gusto kong manood kami ng play. That would be amazing. Gusto ko rin ‘yung mga food side carts. That would be fun!” sabi ni Donny, na sinang-ayunan naman ni Belle.

Anyway, sabik na sabik na rin ang mga fan nina Donny, Belle para sa “HIH All Access,” ang finale concert ng serye nilang “He’s Into Her” dahil sold out agad ang VVIP, VIP tickets wala pang isang oras mula nang i-release.

Gaganapin ‘yon sa Araneta Coliseum, Agosto 27, 8 PM, na magsisilbing regalo nila para sa mga fan.

Pero, puwede pa ring makakabili ng tickets sa ticketnet.com para sa Patron A (P2,000), Patron B (P1,500), Lower Box (P1,000), Upper Box (P500,) at Gen Ad (P200).

Kaabang-abang nga raw ang mga pasabog na performances nila, at ng mga surprise guest nila.

Sa kasalukuyang takbo ng kwento ng “He’s Into Her,” patindi nang patindi ang mga problema sa relasyon nina Deib at Max (Donny at Belle) dahil pinaghihiwalay sila ng kani-kanilang mga pamilya. Ngunit ayaw sukuan ng dalawa ang kanilang pagmamahalan matapos nilang mangako sa isa’t isa na ipaglalaban nila ito at itatago na lang muna nila ang kanilang relasyon sa iba. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.