Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Donny ninong ng anak ni Robi

0 141

Malala pala ang mga pagsubok na pinagdaanan nina Robi Domingo at Donny Pangilinan sa taping ng ABS-CBN travel reality-variety show na “Aja! Aja! Tayo sa Jeju” sa Korea dahil may isang beses na nasuka si Donny dahil sa hirap ng challenge.

Sa “Star Magic Inside News” online show sa YouTube at Facebook, ipinakita ang naging buwis-buhay na karanasan nila ng pagsakay sa isang bangka ng madaling araw para mangisda. Hilong-hilo si Donny at halos hindi na makatayo dahil sa lakas ng alon, habang ang production staff naman ay napakapit din sa bangka.

Dahil nga raw dito, talagang lumalim ang friendship ng dalawa.

“For the first parts of the shoot, we felt parang iba yata ‘yung nangyayari dito. Noong nasa bangka kami, sinabi ko kay Donny na, ‘pag na-survive natin ‘to, kasama ka sa entourage ko, ikaw ‘yung magiging ninong ng anak ko.’ Kasi ganun na ‘yung bonding namin,” pagbabalik-tanaw ni Robi.

SM food to go Banner Ad

First time din daw masuka ni Donny sa isang bangka at lalong nakakatakot ito dahil madilim pa ang paligid.

“Honestly I was looking forward to this but ‘yung waves talaga, tsaka ‘yung lamig. First time kong magsuka. Seryoso, first time ever in my life. Never ako nagsusuka talaga… Pati ‘yung crew, habang nagvi-video sila, nagsusuka rin,” saad ni Donny.

Sunod-sunod ang challenges na hinaharap nina Robi at Donny kasama sina Kristel Fulgar at Shine Kuk sa bawat episode ng “Aja! Aja! Tayo sa Jeju,” na napapanood pa rin tuwing Sabado sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z, at sa iWantTFC naman tuwing Huwebes. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.