Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Donny, Belle lakas magpakilig

0 89

Matagal nang hinihintay ng mga fan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang iWantTFC original series na “He’s Into Her,” kaya naman marami ang nawindang nang naglabas ng patikim ang Star Music ng magiging theme song nito na ang P-Pop group na BGYO ang kumanta.

Pareho ring “He’s Into Her” ang titulo ng naturang awitin na nilikha ni Jonathan Manalo.

Labis naman ang saya ng mga fan ng P-Pop nang malaman na ang kanilang mga idolo ang kakanta ng theme song.

Tweet ni @bgyogelo_, “Hoy ilang araw kaming nag iisip kung sila ba talaga kumanta buti nalang sinabi nyo na.”

Komento naman ni @ailyneness, “Teaser pa lang na LSS na ko. Paano pa kapag buong kanta na.”

“I’m a fan of HIH since 2017 and now, BGYO invading my heart,” sabi ni @winiyoshi.

Sa ngayon, wala pang sinasabing araw kung kailan ire-release ang buong single. Pero dahil may paandar na ganito ang Star Music, kanya-kanya ring hula ang mga fan kung kailan na mapapanood ang iWantTFC series.

Unang naibalita noong 2019 na gagawing serye ang “He’s Into Her” na hango sa isang sikat na Wattpad novel. Magmula nga noon, laging trending ang DonBelle love team sa social media kapag magkasama lang sila sa show guestings kahit pa wala pang nailalabas na official project nila together. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.