Una sa Balita

DONITA AT TEKLA SA TWAC!

0 77

Kung laugh trip ang hanap, tumutok na sa GMA News TV ngayong Miyerkules ng gabi dahil makakasama ni igan Arnold Clavio ang tambalang araw-araw kinaaaliwan sa ‘Wowowin’ na sina Donita Nose at Super Tekla. Kaya naman, asahang masaya at trending na kwentuhan na naman ang hatid ng Tonight with Arnold Clavio (TWAC)!

Espesyal ang episode na ito dahil ito ang kauna-unahang beses na magsasama ang dalawang komedyante sa isang kwelang interview sa TWAC. Ito ang masayang handog ng programa sa ika-7 anniversary nito ngayong Marso!

Kilalanin sina Donita at Tekla sa bagong segment na ‘Akin ang Korona!’

Hulaan kung sino sa kanila ang nadiskubre ng talent manager habang nag-vi-videoke sa loob ng mall, ang nangarap na maging guro, ang mayroong partner na OFW at may anak.

Sa TWAC ‘Guess-Sing Game’, magpapaga­lingan naman ang dalawa sa paghula at pagbirit ng mga kanta. Sino kaya ang mas mahusay na singer kina Donita at Tekla?

Tutukan ‘yan sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules, 10:15pm, sa GMA News TV.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy