Una sa Balita

Donita Rose problemado, pero inuulan naman ng blessings!

By
Donita Rose
0 1

Thankful si Donita Rose dahil kahit na may mabigat siyang pinagdaraanan ngayon dahil sa tuluyan na silang naghiwalay ng kanyang mister na si Eric Villarama, may mga dumarating pa rin na mga blessings sa kanya.

Kelan lang ay kinuhang brand ambassador si Donita ng Jolly Heart Mate Canola Oil.

Sa mga hindi nakakaalam ay nagtapos ng culinary arts si Donita at nagtrabaho ito bilang chef sa isang casino-hotel sa Las Vegas.

Nag-shoot na si Donita ng kanyang TVC bilang Heart Mate Ambassador at sobra siyang nagpapasalamat sa Panginoon dahil dumating daw ang blessing na ito sa moment na kinailangan niya ito.

“When I was at my lowest, they came in and… just when I was about to give up again, they wouldn’t let me… Thank you to my Jolly Heart Mate Canola Oil family for everything,” post pa ni Donita sa Instagram account niya.

Bilang brand ambassador, lilibot si Donita sa buong Pilipinas para sa iba’t ibang Philippine festivities para sa promotion ng Jolly Mate.

“Not only is Lord Jehovah Jireh/provider, He’s also Jehovah Rapha, the one who heals every pain. What could be a more fit title?” sey pa ni Donita.

Sa ngayon ay in the process of recovery si Donita emotionally.

“I’m in a position where I’m just starting to heal and move on,” ngiti pa niya.