Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Donita Rose hindi magugutom sa US

0 375

Naku, Dondon, finally, natuloy na ang pagbabalik sa Amerika ni Donita Rose yesterday, huh! Nagulat nga ako nang maka-text ko siya noong Monday habang papunta ako sa hotel kung saan ako nag-quarantine (while waiting for my COVID-19 test result na dumating naman noong Tuesday at negative nga ako).

Gusto ko sanang i-schedule ang Zoom app interview ko kay Donita for “Anything Goes” ko sa Abante News Online Facebook page.

Sabi naman niya, “We can do the interview anytime after I arrive in San Francisco (California).”

Hmph! Why after pa niyang dumating sa Amerika, eh, October pa ‘yon, ‘di ba?

“No, this Wednesday (kahapon) na ang alis ko,” sey niya.

Bakit parang napabilis naman at kahapon na pala ang alis nila ng anak niyang si JP?

“I was able to get an earlier flight,” sagot naman ni Donita.

So, ok na ba ang lahat?

“I’m packing pa, pero medyo okay okay na,” sabi niya noong Monday

Pero at least, natuloy na rin ang pag-alis ng mag-ina yesterday.

Sa San Mateo sa Bay Area sa bahay ng kapatid niyang si Paul mag-i-stay si Donita at ang anak niya at sabi nga raw ng kanyang kapatid, they can stay there hanggang kailan nila gusto.

Noong ang bongga pa kasi ng kinikita ni Donita sa left and right na showbiz works (pati sa pagiging MTV Asia VJ niya noon), malaki rin ang naitulong niya sa kanyang parents (her dad William Cavett died last year at based naman sa Las Vegas, Nevada ang mother niyang si Evelyn Cavett na retired school teacher) and siblings, kaya naman this time, ang mga ito naman ang tutulong sa kanya.

Anyway, marami rin namang mga kababayan natin sa Amerika ang excited sa pagbabalik niya doon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May isang kilalang Pinoy businessman ang balitang gustong kunin ang serbisyo ni Donita para maging consultant sa food business nito.

Nakatapos kasi si Donita ng culinary course at isang certified chef at some years back ay nagtrabaho na nga siya sa Las Vegas bilang chef sa isang hotel.

Marami talagang puwedeng gawin sa Amerika si Donita. So, good luck Donita!

Kahapon nga pala ay sinigurado ko na aalis talaga silang mag-ina, kaya nag-update pa ako kay Donita kung tuloy na tuloy ba talaga?

“Yes, finally! I’ll miss you!” sey niya at nakaramdam ako ng sadness, huh!

Rica negative sa coronavirus

Dahil kauuwi ko lang noong Monday at naka-quarantine ako, isa sa nangumusta sa akin ay si Rica Peralejo. Noong Saturday rin lang daw sila nakauwi mula sa Los Angeles, California.

Lima raw silang umuwi at ilang buwan din silang naka-“lockdown” sa Amerika dahil nga sa COVID-19 pandemic.

Pero ang maganda, lumabas daw kaagad ang swab test result nila at NEGATIVE sila, kaya nakauwi na rin ng kanilang bahay noong Sunday.

Buti nga, Dondon (my dear editor), noong Tuesday ay lumabas na rin ang swab test result ko at NEGATIVE nga ‘yon kaya nakapag-check-out ako kaagad ng hotel at hindi na nadagdagan ang gastos ko at sa bahay na ako nagpapatuloy ng quarantine ko.

Magastos din kasi dahil ang bayad ko sa swab test sa airport ay P4,500 (ang OFWs, free) plus ‘yung hotel nga na tinuluyan ko.

Pero madali na rin namang lumabas ang swab test result ngayon, kaya hindi na rin sobrang hassle ang umuwi ng Philippines, huh!

Naku, Dondon, naiyak talaga ako dahil NEGATIVE nga ang swab test result ko!

GOD is really good, kaya naman mas lalo pa akong mag-iingat para hindi tamaan ng COVID-19!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.