Una sa Balita

Donita Nose, Boobsie sinipa sa GMAAC

0 870

Wala na pala sina Donita Nose at Boobsie sa GMA Artist Center.

Napakadali naman nilang nawala.

Ang balita ko ay mga pasaway raw kasi.

Kunsabagay, hindi naman nila kailangan ang GMAAC, dahil kaya na nilang i-handle ang sarili nilang career, at madali na nilang tanggapin ang mga show sa labas na hindi na dadaan sa matagal na proseso ng management company.

Kaya lang, sa mga show sa GMA ay hindi sila priority at kaya siguro nagpabalik-balik sila sa “Wowowin” ni Willie Revillame at “Sunday PinaSaya”. Naiwan na lang sina Boobay at Tekla sa GMA Artist Center. Kaya sila ang nakakasama sa mga GMA Pinoy TV shows abroad na madalas kailangan ng mga komedyante.

Jeremy masama ang loob sa pagkakatsugi sa ‘StarStruck’

Last week sa “StarStruck” ay nasa bottom line na si Jeremy Sabilo, pero binigyan pa rin siya ng chance the following week, at ‘yun ay noong Sabado nga, para ma-challenge ‘yung mga na-bottom line that week, pero unfortunately ay siya pa rin ang nalaglag at tuluyan na ngang namaalam.
Nitong nakakaraang araw ay naglabas ng sama ng loob si Jeremy at may post na pinahirapan siya nang husto, pero tatanggalin din daw pala siya.

Nangako kasi siya sa stepfather niya na huhusayan niya nang husto ang mga test para hindi siya matanggal at matulungan niya ang pamilya niya.

Doon man lang daw ay makatulong siya at makatanaw ng utang na loob sa pagkupkop sa kanilang pamilya. Gayunpaman ay nagpapasalamat si Jeremy sa “StarStruck” staff at council at nabigyan siya ng pagkakataon na matuto at sa mga rigid training and test ay nabigyan siya ng pag-asa na ipagpatuloy niya ang mundong tinatahak ngayon.

May announcement na naman ang pamunuan ng “StarStruck” na may bago na naman silang pakulo o twist na sinasabi. Hula namin ay paglalabanin ang pitong nawala at ang pitong nasa kumpetisyon pa. Malalaman natin ‘yan sa weekend.

Pambansang Bae haggard na sa trabaho

Believe kami sa stamina ni Alden Richards. Wala nang pahinga ang Pambansang Bae, huh. Hindi pa rin sila tumitigil sa mga promo ng “Hello, Love, Goodbye”.

Hindi lang dito sa Pilipinas uma-attend ng mga event ng nasabing blockbuster movie at dumadayo rin sila sa ibang bansa na may screening ng HLG.

Last weekend ay sa Singapore naman sila nanggaling after Dubai and Abu Dhabi. Malamang may Amerika pa ‘yan at Europe.

Ang laki-laki na ng kinita ng “Hello, Love, Goodbye” pero tuloy pa rin ang showing at marami pang pumapasok para manood kahit ilang ulit nilang pinapanood at hindi nananawa.

Ngayon ay diretso naman sa taping ng “The Gift” si Alden. Sumipot na rin siya sa “Eat Bulaga”. At heto at may mga shoot pa siya ng mga endorsement.

Ano ‘yan? Sa sasakyan na lang siya nagpapahinga at natutulog? Ang laki na nga ng ipinagbago ng itsura ni Alden simula nang magpapayat ito para sa movie niya. Sabi nila ay haggard na ito sa kakatrabaho.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy