Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Donita kinahiya ang nakaraan

0 20

Inaliw ni Donita Rose ang mga netizen sa pinost niyang throwback photo sa Instagram.

Mga photo ni Donita noong high school, at kinaaliwan ng marami ang usong hairstyle noong ‘80s. Super-tease ang bangs ni Donita at sa tulong ng hairspray ay napanatiling mataas at hindi nawawala sa ayos ang buhok niya.

“Most people look back on their high school photos and are embarrassed. I’m not. As you can see, I was way ahead of my time in hair fashion. Right @jpvillarama? I told you I was cool growing up,” sabi ni Donita.

Naka-relate sa post ni Donita ang mga ka-batch niya sa That’s Entertainment na sina Ruffa Gutierrez at Vina Morales. Noong panahon nga nila sa That’s pataasan ng bangs ang mga babae sa show. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.