Una sa Balita

Dong Abay binanatan ang Wish FM

0 547

Milyonaryo na sana!

Hiling ni rock musician Dong Abay sa FM radio station Wish 107.5, sana may komisyon ang lahat ng mga artistang pinatatanghal nito sa kanilang programa.

Sa serye ng mga tweet niya ngayong Lunes ng umaga, Enero 20, 2020, binatikos ni Abay ang istasyon sa hindi umano pagbibigay ng cut sa mga banda at artistang nagpe-perform doon.

Kahit aniya 50 percent sa kada 1,000 views na komisyon, ayos na para kay Dong. Gagamitin aniya niya ang dapat na makukuhang pera sa Wish 107.5 “pambili ng gamot para sa tatay kong maysakit tsaka sa nanay ko, pasalubong na pansit.”

Ito, matapos gawaran kahapon ng “Silver Wishclusive Elite Circle Award” si Abay sa ikalimang Music Awards ng istasyon. Nangangahulugan ang parangal na pumalo na sa 25 million views ang Wish Bus video ng pagtatanghal ng artista o banda.

Tugon ni Abay sa parangal, “Silver Wishclusive Elite Circle Award is cool but I wish its (sic) cash.” “Kung hindi cash kahit kush na lang,” sabi pa niya sa Wish FM.

“Kung 31Million views na ang kanta kong ‘Perpekto’ sa Youtube, ibig sabihin ay kumita ito ng 56,635 thousand dollars. Kung 50% ang cut ng bawat artist e di milyonaryo na sana ako,” hayag pa ni Abay.
Apela niya naman sa mga tao, huwag nang panoorin ang Wish Bus performance niya ng mga kantang “Perpekto” at “Banal Na Aso, Santong Kabayo” para hindi na aniya pagkakitaan pa ng istasyon.

Dismayado rin ang makata gayong hindi pa aniya ina-upload ng Wish 107.5 ang live na pagtugtog nila ng kantang “Positibo” noon pang 2018. (Riley Cea)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More