Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Doncic sinagip Mavericks

0 216

NAIWAN ng 11 sa first quarter ang Dallas pero sa pangunguna nina Kristaps Porzingis at Luka Doncic ay nakabawi para itumba ang New Orleans 108-92 Lunes ng gabi.

Tumapos si Doncic ng 25 points, may tig-17 pa sina Tim Hardaway Jr. at Jalen Brunson. Mainam din ang kontribusyong 12 points ni Reggie Bullock off the bench.

Nakaupo si Doncic sa bukana ng fourth quarter, kinamada nina Hardaway at Brunson ang 12-0 run na nagbigay sa Mavericks ng 93-71 lead.

Isa lang sa limang bato sa labas ng arc ang isinablay ni Hardaway, overall ay 43 of 85 sa field at 14 for 35 sa 3s ang Dallas.

Nagbaon ng back-to-back 3s si Mavs center Porzingis sa dulo ng opening period para sindihan ang 22-4 run tungos a 38-31 lead.

Natawagan ng tatlong fouls ang 7-foot-3 Latvian sa loob lang ng 77 seconds sa second, nakapagsumite ng 12 points, 8 rebounds at 3 assists.

Nagkamada ng 22 points at 11 rebounds si Jonas Valanciunas pero hindi pa rin masundan ng Pelicans ang nag-iisang panalo sa 11 laro. may 22 din si Josh Hart.

Hindi pa nakakapaglaro sa season si New Orleans star Zion Williamson na nagpapagaling pa mula broken right foot. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.