Una sa Balita

Doncic pumantay kay Jordan

0 371

NAMBARAKO ang three-headed monster ng Dallas, at tumiklop ang New Orleans.

Nanalasa ng 28 points sa loob lang ng 26 minutes si Luka Doncic, naglista si Kristaps Porzingis ng 13 points at kinalawit ang 1,500th rebound ng career at kinawawa ng Mavericks ang Pelicans 130-84 Sabado ng gabi.

Matikas ding umayuda ng season-highs 15 points at 16 rebounds si Boban Marjanovic sa humaharabas na Mavericks.

May 6 rebounds at 9 assists pa si Doncic. Nang dambahin ng Slovenian ang defensive rebound 23 seconds lang sa third quarter, nakumpleto ang 18th straight game niya na may at least 20 points, 5 rebounds at 5 assists.

Si Michael Jordan pa lang ang nakakagawa nito noong 1988-89. Bago nagsanib ang NBA at ABA noong 1976, naglista ng 29-game streak si Oscar Robertson.
Nang lumamang ang Dallas 64-52 sa halftime ay may 20 points na si Doncic at 11 kay Marjanovic, 9 sa second quarter.

Hindi na naibaba sa single digits ng Pelicans ang deficit sa second half.
“The rest of the game was just a formality,” pagmamalaki ni Porzingis.

Walang nakapigil kay Marjanovic sa loob, ipinagwasiwasan lang ng 7-foot-4 Serbian ang itinapat sa kanyang si Jahlil Okafor. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy