Una sa Balita

Doncic nagyabang: Mas madali umiskor sa NBA

By
0 537

KUNG papanoorin maglaro si Dallas Mavericks rookie Luka Doncic, tila beterano na ito kung gumalaw kahit pa itapat sa halos kahit sinong defender ng NBA.

Sa unang season ng 19-anyos na athlete, kumakamada ito ng 20.6 points kada laro sa impresibong 43.1 percent field goal percentage, 34.8 percent sa three-point land, at 73.3 percent sa free-throw.

Sa katunayan, si Doncic ang leading scorer hindi lamang para sa kanyang koponan na Mavericks, kundi maging sa lahat ng mga kasabayang rookie ngayong season.

Nang makapanayam si Doncic sa Spanish network na Movistar+, kanyang inilahad kung bakit tila walang hirap siyang nakakahanap ng butas para mailusot ang bola sa hoop.

Aniya, mas nadadalian umano siyang pumuntos sa NBA kaysa sa Euroleague, kung saan nagpamalas din ng angking galing para sa Real Madrid matapos mag-average ng 16 points, 4.8 rebounds at 4.3 assists sapat para tanghaling MVP sa nasabing torneo.

“Here [in the NBA] it’s easier to score compared to Europe, of course. In Europe, the court is smaller and here there is the three seconds rule. I think it’s easier to score here,” ayon sa Slovenian star.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy