Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Doncic, Dallas sinibak Phoenix

0 99

NAGLIYAB sa disyerto ng Phoenix si Luka Doncic, at sinipa ng Dallas ang top seed Suns 123-90 sa Game 7 ng West semis nitong Linggo.

Pasok ang unang tatlong tira ni Doncic at tumapos ng 35 points, sinegundahan ni Spencer Dinwiddie ng 30 at biyaheng conference finals ang Mavericks sa unang pagkakataon sapol noong 2011 na kanilang championship season.

Hinihintay ng Golden State ang Dallas, Game 1 sa Huwebes (araw sa Manila).

“A lot of people said it would be a blowout,” bida ni Mavs coach Jason Kidd. “They were right.”

Blowout, ang tinutukoy ng mga miron ay Mavericks ang ilalampaso ng Suns. Nabaligtad. Sa kabuuan ng series, laging panalo ang home team kaya tinayaan din ang Suns na mananaig sa Game 7 sa Phoenix.

Ayaw pumasok ng tira ng Suns, napuwersa pa sa 12 turnovers – apat mula kay Devin Booker na naka-11 points lang mula 3 of 14 shooting.

Si Chris Paul, naka-walong tira lang tungo sa 10 points, 4 assists.

Off the bench si Dinwiddie, pero pinaghatian nila ang 48 sa 57 points ng Dallas sa first half – kapantay ng produksiyon ng buong Phoenix squad. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.