Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DonBelle loveteam of the year: Jodi, Yam best actress sa Chicago

0 93

Bonggang tagumpay ang dala ng mga Kapamilya star sa pagpasok ng 2022, matapos tumanggap ng mga parangal mula sa Filipino-American community sa 2021 TAG Awards Chicago kamakailan.

Ang bongga lang na may 237 award na natanggap ang ABS-CBN noong 2021 mula sa 39 award-giving bodies sa Pilipinas at sa ibayong dagat. Kasama rito ang mga award para sa kumpanya mismo, sa iba-iba nitong plataporma, mga programa, pelikula, proyekto, lider, artista, at talent.

Panalo ang New Gen Phenomenal Loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o “DonBelle” bilang Loveteam of the Year, samantalang nag-tie sina Jodi Sta. Maria (Ang Sa Iyo Ay Akin) at Yam Concepcion (Init sa Magdamag) bilang Best Actress.

Wagi si JM De Guzman bilang Best Actor, habang Best Supporting Actress naman si Andrea Brillantes (Huwag Kang Mangamba) at Best Supporting Actor naman si Grae Fernandez (Ang Sa Iyo Ay Akin). Tinanghal naman na Influencer of the Year ang sikat na YouTuber na si Ivana Alawi na magkakaroon ng bagong programa sa ABS-CBN.

Isinasagawa ang 2021 TAG Awards Chicago ng TAG Media Chicago na inanunsyo ang mga panalo sa bisperas ng Bagong Taon sa Amerika. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.