Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Donaire-Naoya rematch niluluto

0 169

TIYAK na maraming boxing fans na naman ang matutuwa dahil napaulat na nagbabadya na ang rematch nina Filipino fighter Nonito Donaire Jr. kontra Japanese star Naoya Inoue.

Ayon kasi sa lumabas na tweet ng isang boxing writer na nakadestino sa Southern California na si Manouk Akopyan ay nagkakaroon na ng negosasyon ang magkabilang panig para maisakatuparan ang rematch.

“Negotiations have started for a Naoya Inoue vs. Nonito Donaire rematch for April in Japan, Donaire promoter & Probellum CEO Richard Schaefer tells me,” saad ni Manouk sa kanyang Twitter account.

“The 2019 fight of the year is moving closer to a rematch and bantamweight championship unification bout.”

Magugunitang nagtapat na ang dalawa noong 2019 kung saan sa sobrang dikdikan ng laban ay nagmarka itong 2019 Fight of the Year.

Sakaling matuloy ang upakan ay susubukan ni ‘Filipino Flash’ Nonito na rumesbak dahil natalo ito laban kay ‘Japanese Monster’ Inoue para sa IBF at WBA title.

Hawak ngayon ng 39-anyos na si Donaire ang WBC bantamweight belt, habang ang 28-taong gulang na si Inoue ay three-division champion. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.