Una sa Balita

Donaire may kabanatan sa Abril 24

By
0 1,035

Sasabak sa non-title bout ngayong Abril 24 sa Belfast, Ireland si dating four-division champ Nonito Donaire laban sa isa ring da­ting kampeong si Carl Frampton.

Galing sa panalo nitong Setyembre 2017 ang 35-anyos na si Donaire laban kay Ruben Hernandez sa Texas, USA, pero bago ito ay naagaw muna ni Jessie Magdaleno ang kanyang WBO belt via 12-round decision noong Nobyembre 2016.

“This is another opportunity for me to prove that I still can win,” ayon kay Donaire, nagtataglay ng 38-4 panalo-talo kartada kabilang ang 24 knockouts.

Nahawakan ni Donaire ang mga titulo sa flyweight, bantamweight, super bantamweight at featherweight divisions sa kanyang makulay na boxing career kaya itinuring siya dati bilang isa sa mga top pound-for-pound fighters sa mundo.

Nag-iingat naman ng 24-1 marka si Frampton kabilang ang 14 KOs at galing siya sa decision win laban kay Horacio Garcia noong Nobyembre.

Ayon sa promoter ni Frampton na si Frank Warren, puspusan na sa pagpapakondisyon ang kanyang alaga at pahihirapan nila si Donaire.