Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Donaire, Casimero kursunada ni Inoue

0 216

TARGET pa rin ni 3-division world boxing champion Naoya Inoue ang mga Pinoy fighter na sina Nonito Donaire Jr. at John Riel Casimero.

Bagaman marami ang umaasa sa mainit na salpukan ay medyo matatagalan pa ang paghihintay ng mga fan dahil sa Hunyo pa magbabalik sa boxing ring si ‘Japanese Monster’ Inoue bunsod na rin ng travel restrictions sa Japan.

Matatandaang huling lumaban si Inoue noong Disyembre kontra Aran Dipaen, haos tatlong taon na rin mula nang talunin ni Inoue si ‘The Filipino Flash’ Nonito sa tinaguriang 2019 ‘Fight of the Year’.

Sakaling manumbalik na sa ring si 28-anyos Inoue ay gaganapin ang kanyang laban malamang sa Tokyo Dome o sa Saitama Super Arena. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.