Una sa Balita

Dominique Cojuangco sinita si Gretchen dahil kay Raymond

0 1,112

Alam mo, Dondon, nang hindi sinasadyang magkita sina Gretchen Barretto at Annabelle Rama last Tuesday sa isang Chinese restaurant sa Greenhills, San Juan, kadarating lang ng una from San Francisco, California.

Kuwento ni ­Gretchen, halos every month niya dinadalaw ang unica hija nila ni ­Tonyboy ­Cojuangco na si ­Dominique Cojuangco. Madalas daw, four days lang siya roon para makasama si Dominique.

Kahit busy nga si Gretchen sa maraming mga negosyo nila ng business partner na si Atong Ang, isa pa rin siyang butihing ina kay Dominique. Ang bongga!
Naikuwento ni Gretchen ang pinag-aaralan ng anak niya sa isang fashion school, pero may ibang course pa raw na kinukuha si Dominique dahil may pinaplanong buksan na business ang kanyang anak.

Sa kuwentuhan pa rin na ‘yon ay ­nabanggit ni Gretchen na friends sina Dominique at Raymond Gutierrez, at nakapunta na raw ang anak ni Tita Annabele sa farm nila.

“Sabi talaga ni Dominique noong magkaroon ng issue, ‘Ma, remember, Mond’s my friend’ kaya hindi ­talaga puwedeng mag-away!” sey ni Gretchen sa ­Gutierrez matriarch.

Actually, noong mag-dinner kami sa ­Rockwell Center, Makati City noong Sunday night na kadarating lang ni ­Raymond from ­Singapore ay naikuwento ko sa kanya ang bagay na ‘yon at sinabing friends nga ­talaga sila ni Dominique.

“She’s nice!” sabi ni Raymond tungkol sa unica hija ni Gretchen.

Nice!
Because of my ­exclusive interview kina Tita Annabelle, ­Eddie ­Gutierrez, Atong Ang and Gretchen na ­mapapanood sa ­Anything Goes with Jun Lalin ­YouTube channel, may mga ­nagtatanong sa akin — kampi raw ba ako sa ate nina Marjorie at ­Claudine Barretto?

Team Greta (plus Claudine) na raw ba ako o Team Marjorie?

Naku, I always tell them naman, kahit gaano pa katindi ang awayan nila, never ako kakampi kahit kanino dahil bukod sa pare-pareho silang mabait sa akin (yes, nice sila!), kahit ano pa ang ­sabihin, magkakapatid pa rin sila.

Darating ang panahon na magkakabati-bati sila (na idinarasal ko) at ayokong in the end ay sa akin pa sila mairita.

Always remember, blood is thicker than ­water.

So, anuman ang ­problema sa pagitan ng magkakapatid, wish na lang natin na magkaayos-­ayos pa rin sila!

Mga Pinoy dumayo sa Atlanta para kay Ganados

Ngayong umaga mapapanood dito sa atin ang live telecast ng Miss Universe 2019 na ginaganap sa Atlanta, Georgia. Sabi ng ABS-CBN, live ang telecast nila, kaya ang bongga.

Nakatsikahan ko si Joel Cruz na nasa Atlanta ngayon at manonood nga raw siya roon ng Miss Universe 2019.

“Close ba kayo ng representative natin na si Gazini Ganados?” tanong ko sa owner ng Aficionado Perfumes.

“I don’t know her personally. Miss Universe aficionado ako, bata pa lang ako, gustung-gusto ko na ang Miss Universe, kaya ­nanood kami ngayon ng mga kasama ko,” sabi ni Joel.

Anyway, sabi pa ni Joel, “Sa Atlanta Marriott Marquiz kami kung saan nag-i-stay ang mga kasali sa Miss Universe 2019!”

Nang makatsikahan ko si Joel, matindi pa ang jet lag niya, kaya hindi pa niya nakikita si Gazini, pero he’s ­wishing her na manalo nga sa Miss Universe 2019!

Anyway, marami ang tututok sa grand coronation night ng Miss Universe 2019 (gabi ngayon sa Atlanta) at lahat ay nagwi-wish ng back-to-back win ng bansa.

Si Gazini nga kaya ang paglilipatan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ng Miss Universe crown?

Sana! (Jun Lalin)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More