Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dominic babu na sa Dos: Jillian Ward tinangkang layasan GMA

0 439

Mabuti naman at natuloy na talaga ang story conference ng ‘Abot Kamay’ na pagbibidahan ni Jillian Ward.

Kasama ni Jillian sa seryeng ito sina Carmina Villarruel, Richard Yap, ang nagbabalik showbiz na nag-retire na sa basketball na si Andre Paras.

At heto na, ang dating Kapamilya actor na si Dominic Ochoa.

Yes, nasa GMA 7 na si Dominic na for the longest time ay nasa ABS-CBN nga.

Mukhang interesting ang teleseryeng ito, ha! Kakaiba ang kuwento.

 Anyway, bago mag-pandemic ay plano sana si Jillian na lisanin na ang GMA-7 at gustong subukan ang ABS-CBN.  Kinausap ako noon ng ‘amain’ niya sa planong paglipat ni Jillian, pero hindi nga natuloy.

Mabuti naman, di ba? Dahil kung natuloy ay inabot sana sila roon ng pagsasara ng Channel 2, at saan kaya sila pupulutin ngayon?

John Lloyd kaabang-abang ang birthday pasabog

Going strong ang sitcom ni John Lloyd Cruz na ‘Happy ToGetHer’ na napapanood Linggo ng gabi sa GMA 7.

Ang bilis ng panahon at nasa second season na sila at happy naman ang GMA management sa magandang rating na nakukuha nito every week. Sumikat si John Lloyd sa mga drama show ng ABS-CBN tulad ng ‘Tabing Ilog’ kasama ang mga bagets noong araw. After niyang magbakasyon from showbiz na almost two years ay sa comedy naman siya napanood at nag-click naman.

Para lang silang naglalaro sa set kasama ang mga co-actor na mostly ay galing sa ABS-CBN. At isa si Lloydie sa mga creative consultant ng sitcom bukod sa pagiging artista niya.

Ano kaya ang pasabog ng ‘Happy ToGetHer’ sa birthday ni Lloydie ngayong June 24? Balita ko ay may birthday special sila. Abangan.

Siyanga pala tinanggal na ni Lloydie ang balbas niya kaya lalo siyang gumwapo ngayon.

Natapos na kasi nilang i-shoot ang movie na kasama si Jasmine Curtis-Smith.

Tingnan niyo ang photo niya na kuha sa taping ng ‘Happy ToGetHer’ kasama si Carmi Martin.

Datung ni young actress nilustay ng magulang

Next year ay debutante na ang young actress na musmos pa lang ay artista na at agad sumikat sa showbiz.

Matatandaan noon na nag-hit ang kanyang teleserye na hango mula sa isang pelikula. Kaya nagsunod-sunod noon ang mga proyekto niya, mapa-movie man o teleserye.

Child wonder nga ang tawag sa kanya noon.

Pero nagkaproblema nga dahil sa mga magulang na mukhang lumaki agad ang ulo. Ang daming demands at laging problema sa production na dala dala hanggang ngayon.

 Nag-aalala lang kami baka pagdating ng panahon ay wala nang dudukuting pera ang young actress. ‘Yung mga magulang kasi ang may hawak ng pera at balita ko ay bili nang bili ng mga mamahaling sasakyan na nakatambak lang sa kalye sa probinsiya kung saan sila naninirahan.

Kaya nagwo-worry ang marami na imbes na lupa o property ang bilhin for investment ay kung ano-ano ang pinagbibibili na hindi naman kailangan ng young actress.

Balita ko hiwalay na ang nakagisnang magulang ng young actress. Kawawa si young actress kapag nagkataon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.