Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Dominic abot tenga ngiti’: Bea napatili, super kilig sa wedding proposal

0 108

Biglang-bigla nakaramdam ng matinding kilig si Bea Alonzo habang rumarampa sila ni Dominic Roque sa Robert Mondavi Winery.

“Oh, someone proposed. Aaaahhhhhh,” kinikilig na sabi ni Bea.

“Yeheyyyyy! Hahahahaha!” saad pa ni Bea habang nililibot ang kamera, na ang ending ay si Dominic ang makikita.

“Congrats! Hahahahahaha!” masayang-masaya at over sa pagkakilig na pahayag pa ni Bea.

“May photographer na ‘yon. Photog yarn!” sabi ni Bea kay Dominic.

“Photog yern!” sagot naman ni Dominic.

Well, sa tono ng boses ni Bea, iisipin mo ngang siya na ang inaalok ng kasal, eh. Yung sobrang pagkakilig niya, pagkagiliw na biglang-bigla nakasaksi sila ni Dominic ng proposal. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.