Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dominguez uutang ng P18.5B para sa CARP

0 678

Muling uutang ang administrasyong Duterte sa World Bank (WB) ng $370 milyon o P18.5 bilyon.

Ayon sa Department of Finance, ang bagong utang ay para gamitin at matituluhan ang 1.4 milyong ektaryang lupa na ipinamahagi sa 750,000 magsasaka sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Pinirmahan ni DOF Secretary Carlos DOmingues III at ni World Bank acting country director Achim Fock ang kasunduan para sa utang na pinangalanang Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) project nung July 14.

Ayon kay Dominguez, matutulungan nito ang mga magsasakang makautang at makakuha ng tulong sa pamahalaan at susuportahan nito ang pag-ahon ng ekonomiya.

Sabi ng DOF, titituluhan ang mga lupa at nang mahati na sa mga magsasaka para matapos na rin ang CARP. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.