Una sa Balita

Dominguez : Utang pa more sa China

By
0 422

Nais pa ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na dagdagan ang mga infras­tructure project ng China sa bansa kung saan sa nasabing bansa pa rin uuta­ngin ang pera para maisagawa ang mga ito sa Pilipinas.

Humayo si Dominguez sa Beijing nu’ng nakaraang linggo kasama ang iba pang opisyal ng administrasyong Duterte.

“We look forward to implementing more strategic infrastructure projects supported by highly concessional financing from China,” sinabi ni Dominguez sa meeting niya nu’ng Martes sa Diaoyutai State Guesthouse kung saan pinag-usapan nila ang estado ng mga priority project ng Pilipinas na pinopondohan ng China.

Ayon sa Department of Finance, kapwa ikinagagalak ng China at ng Duterte administration na lalo pang lalakas ang kanilang tinutu­ring na ‘pragmatic cooperation’ ng China at Pilipinas sa darating na mga taon.

Sabi ni Dominguez, na­ging mas malapit at mas malalim ang relasyon ng China at Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pasok na sa malalaki at mahahalagang proyekto ang mga Chinese company sa bansa sa mga negosyong sasaklaw sa buhay ng mara­ming mamamayang Pilipino. Kasama ang China Telecom sa consortium na nagwagi sa bidding para sa 3rdmajor telco sa bansa at pasok din ang CNOOC ng China sa LNG terminal na gagawin sa Batangas. Sa parehong mga proyektong ito, ang campaign contributor ni Duterte na si Dennis Uy ang partner ng mga Chinese company.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy